“All systems go” na ang Commission on Elections sa isasagawang plebisito sa Maguindanao bukas, Setyembre a – disi syete.
Pagtitibayin sa plebesito ang batas na maghahati sa Maguindanao sa dalawang probinsya, ang Maguindanao del Norte at Maguindanao del Sur.
Mayo noong isang taon nang lagdaan ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11550 na maghahati sa Maguidanao sa dalawang probinsya.
Ayon kay Maguindanao Election Supervisor Atty. Udtog Tago, nasa 818,790 voters ang magpapasya kung hahatiin o hindi sa dalawa ang nasabing lalawigan.
Naglaan na anya ang Comelec ng 501 voting centers na may 1,906 clustered precincts at kayang mag-accommodate ng 600 voters.
Magiging manual ang botohan at bilangan sa halip na gumamit ng automated election system.
Maaari lamang bumoto hanggang alas tres ng hapon habang inaasahan ng poll body ang mga resulta hanggang alas diyes ng gabi.