Umarangkada na ngayong araw ang plebisito para hatiin sa tatlo ang probinsya ng Palawan.
Ayon sa Commission on Elections (Comelec), higit 490,000 na mga botante ang nakarehistro sa Palawan mula sa 23 mga munisipyo nito.
Sa naturang plebisito, kinakailangang bumoto ng mga residente ng yes o kaya’y no para makuha ang kanilang pulso hinggil sa paghahati ng kanilang probinsya.
Oras paboran ang paghahati ng Palawan o ratification ng RA 11259, mahahati ang probinsya sa tatlo.
Ito ang Palawan Del Norte, Oriental, at Del Sur.
Habang ang kabisera naman ng Palawan Del Norte ay Taytay, Roxas ang magiging kabisera ng Palawan Oriental, at Brooke’s Point naman sa Palawan Del Sur.