Matagumpay ang isinagawang plebisito noong Agosto a – 20 para pagtibayin ang paglikha sa Barangay New Canaan bilang isang regular at natatanging barangay sa Bayan ng Alabel, Saranggani.
Ito ang inihayag ni Commission on Elections chairman George Garcia matapos ang Flag raising ceremony sa Comelec kahapon.
Nakatakda ring magsagawa ang poll body sa Setyembre a – 3 ng plebisito para pagtibayin naman ang conversion ng Bayan ng Calaca sa isang Component City ng Lalawigan ng Batangas.
Kasado na rin ang plebisito para sa paghahati sa dalawang dibisyon ng Maguindanao sa Setyembre a – 17.