Inihayag ng Commission on Elections (COMELEC) na pangalawang may pinakamataas na voter turnout ang Maguindanao plebiscite na may 80.84% o katumbas ng 700,000 botante.
Binigyang-diin ni Acting Poll Spokesperson Rex Laudiangco na most-participated sa province-wide plebiscite ang Maguindanao dahil sa kabuuang bilang ng mga rehistradong botante at mga aktwal na bumoto.
Batay sa datos ng COMELEC, nasa 712,857 mula sa 881,790 botante ang aktwal na bumoto sa naturang plebisito.
Sa nasabing bilang, 99.27% o katumbas ng 707,651 ang bumoto ng “yes” para hatiin ang lalawigan sa dalawa habang 0.73% o 5,206 ang bumoto ng “no”
Nabatid na ang naturang plebisito ay tutukoy kung mahahati ang lalawigan ng maguindanao sa dalawa, na tatawaging Maguindanao Del Norte at Maguindanao Del Sur.