Kinansela ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang plenary assembly nito na nakatakda sana sa susunod na buwan.
Ito ang unang pagkakataon na nakansela ang plenary assembly ng CBCP dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ayon kay Father Marvin Mejia, Secretary General ng CBCP kanselado rin ang taunang retreat din ng mga obispo na ginaganap pagkatapos ng plenary assembly.
Ang plenary assembly na isa sa dalawang taunang pagtitipon ng mga obispo ay una nang itinakdang gawin sa Pope Pius the 12th center sa Maynila mula Hulyo 11 hanggang 13.