Pangungunahan ni Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Giuseppe Pinto ang pagbubukas ng plenary assembly ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines o CBCP sa Cebu bukas.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon na isasagawa ang plenary assembly sa Cebu kaalinsabay ng nalalapit na pagsisimula ng ika-51 International Eucharistic Congress.
Ayon kay Msgr. Joseph Tan, tagapagsalita ng Archdiocese ng Cebu, sisimulan ang assembly sa isang banal na misa na gagawin sa Cebu Metropolitan Cathedral.
Tatalakayin sa nasabing plenary session ang iba’t ibang bagay na dapat pagtuunan ng pansin hindi lamang patungkol sa simbahan kundi maging sa estado ng bayan at ng ekonomiya.
Una nang ipinahiwatig ni dating CBCP President at retired Archbishop Oscar Cruz na pulitika ang isa sa mga tiyak na tatalakayin sa ilalim ng mga prinsipyo ng ebangheliyo, moral at ethical norms.
By Jaymark Dagala