Posibleng simulan na ng Kamara sa Pebrero ang plenary debate hinggil sa panukalang pagkalooban ng emergency power si Pangulong Rodrigo Duterte para solusyunan ang matinding problema sa trapiko.
Ayon kay Catanduanes representative Cesar Sarmiento, chairman ng House Committee on transportation, nakatakda na sa Enero a-disi otso ang pagpupulong ng kanilang komite sa naturang usapin.
Sinabi ni Sarmiento na makikipag-ugnayan din siya kay Senate Committee on Public Services Chairperson Grace Poe upang mapag-usapan ang mga probisyon ng panukala na dapat matiyak at mapasama kapag naisabatas ang hirit na emergency power.
Muling magbabalik ang sesyon ng dalawang kapulungan sa Enero a-disi sais.
By MeAnn Tanbio