Umarangkada na sa kamara ang plenary debate para sa approval ng panukalang Bangsamoro Basic Law (BBL).
Sa pangungunga ni House Ad Hoc Committee Chairman at Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez ay inaasahang magiging dikdikan ang debate ng mga kongresista, simula ngayong araw.
Nito lamang Mayo 20 ay mabilisang inaprubahan ng naturang kumite ang revised version mula sa original draft ng BBL.
Una nang inihayag ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza na posibleng umabot sa 70 kongresista ang boboto ng “no” sa plenaryo dahil marami sa kanyang mga kapwa mambabatas ang nagpahiwatig ng pagtutol sa nabanggit na panukala.
By Drew Nacino