Hindi natuloy ang itinakdang period of interpellation para sa substitute bill ng BBL o Bangsamoro Basic Law sa Senado kahapon.
Sa panayam ng “Kasangga Mo ang Langit sa IZ” kay Senate Committee on Local Government Chairman Bongbong Marcos, sinabi nito na bagaman 14 na senador ang nagpalista para sa interpellation, humingi ang mga ito ng kaunting palugit upang pag-aralan ng husto ang panukalang batas.
Tiniyak ni Marcos na walang probisyon sa bersyon niya ng BBL na magtataguyod ng political dynasty sa itatatag na Bangsamoro region.
“Kailangang antayin na maghanda ang ating mga senador para sila ang mag-interpellate o magtanong tungkol sa substitute bill na ginawa ko, sa ngayon dahil nga naman kung titignan natin ay mahaba-haba yung bill at medyo kumplikado at maraming napalitan kaya kailangan pa nilang pag-aralan.” Pahayag ni Marcos.
By Meann Tanbio | Kasangga Mo Ang Langit