Ikinakasa na ni Patricia Bautista ang kasong plunder laban sa kaniyang asawa at nagbitiw na Commission on Elections o COMELEC Chairman na si Andres Bautista.
Ayon kay Atty. Lorna Kapunan abogado ni Ginang Bautista, positibo silang maipakukulong nila si Bautista dahil aabot sa halos 1.2 billion pesos ang kanilang natuklasang tagong yaman nito.
Samantala inihayag din ni Senator Chiz Escudero na tuloy pa rin ang imbestigasyon ng Senado kaugnay sa umano’y tagong yaman din ni Bautista sa mga rural bank na pag aari ng kaniyang mga kaibigan na hindi idineklara sa kaniyang Statement of Assets Liabilities and Net Worth o SALN.
—-