Binalaan ng isang voters education advocate ang publiko na mag-ingat laban sa mga kasinungalingan at maling impormasyon na nagmumula sa video streaming platforms.
Ayon kay Josh Mahinay, program manager (PM) ng Now You Vote 2022, marami sa mga kumakalat na fake news ay mula sa video platforms.
Batay sa Digital 2021 Report, sa ngayon ang Youtube ang pinaka popular na video streaming platform sa bansa.
Sinabi pa ni Mahinay na nagiging daan ang Youtube sa pagpapakalat ng mga maling impormasyon dahil karamihan sa mga kilalang content creators ay ginagamit ng mga propagandista sa pagpapalaganap ng fake news.
Hinikayat naman ni mahinay ang mga user na maging mapanuri at alamin ang mga credible news sources. —sa panulat ni Hya Ludivico