Hinihingi ng Philippine Medical Association (PMA) ang listahan ng mga miyembro ng Presidential Security Group na naturukan ng hindi rehistradong COVID-19 vaccine.
Ayon kay PMA President Dr. Benito Atienza, ang naturang listahan ay para sa kanilang gagawing monitoring sa posibleng reaksyon ng bakuna sa mga naturukan nito.
Sinabi pa ni Atienza na maaari na ring isama sa phase 3 trial ang mga nabakunahan na para makita ang epekto ng naturang COVID-19 vaccine.
Kasabay nito, hinikayat ni Atienza ang lahat ng nagpabakuna na lumantad para malaman at matulungan silang mabantayan.