Iginiit ng Philippine Medical Association (PMA) ang pagkontra sa paggamit ng Ivermectin kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Sa halip, binigyang diin sa DWIZ ni PMA President Dr. Benito Atienza na mas mabuting hintayin muna ang resulta ng clinical trial sa nasabing anti-parasitic drug bago magpasyang gamitin ito laban sa COVID-19.
Hintayin nalang po sana natin ang magiging resulta noon, habang ngayon, ang panawagan namin ay huwag munang gagamit ang mga kababayan natin ng Ivermectin kasi wala pong sapat na pag-aaral tungkol diyan at katulad ng sabi ng WHO at iba pang medical society, ang sinusunod namin ay ang patakaran ng FDA na hindi sya gagamitin, except ‘yung compassionate use under ng pinayagan na limang ospital,” ani Atienza. —sa panayam ng Balitang Todong Lakas