Nakatakdang magpatupad ng ‘hybrid’ alumni homecoming ang Philippine Military Academy (PMA) sa Baguio City dahil pa rin sa bansa ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Ipinabatid ni PMA Spokesperson Major Cherryl Tindog na inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) at Baguio City Government ang pagtitipon sa grandstand ng PMA sa Fort Gregorio Del Pilar sa ika-12 hanggang ika-14 ng Pebrero.
Sinabi ni Tindog na aabot lamang sa 30% ang pisikal na dadalo sa pagdiriwang at 90 alumni at awardees lamang ang nagkumpirmang dadalo.
Samantala, maaari namang makasali, sa pamamagitan ng Zoom video teleconferencing ang ibang hindi makakadalo ng personal sa homecoming na may temang “Passing on a Brighter Torch to our Successors”.
Bilang pagsunod naman sa health protocols, ang lahat ng makikiisa sa Alumni Homecoming ay kailangang kumuha ng medical certificate na may negatibong resulta ng RT-PCR test at travel authority mula sa local police.