Aabot sa 1,475 mga examinees sa PMA o Philippine Military Academy ang posibleng maging mga susunod na opisyal ng AFP o Armed Forces of the Philippines.
Ito ay matapos makapasa sa entrance exam ng PMA ang mga ito ngayong taon.
Ayon sa PMA, siyam na porsyento lamang ito ng mahigit 15,000 mga kumuha ng pagsusulit noong Agosto 20.
Sa nasabing bilang, 996 dito ay lalaki habang 479 naman ang babae na nakatakdang sumailalim sa complete physical examination ng AFP.
Matapos nito ay dadaan ang mga nakapasa sa deliberasyon ng PMA Cadet Procurement Board na pipili sa mga pinaka-kwalipikadong kandidato para sa PMA Class of 2022 na inaasahang lalahok sa oathtaking ceremony sa Abril 1 ng susunod na taon.
—-