Pinagbibitiw ni Cagayan De Oro City Congressman Rufus Rodriguez si Philippine Military Academy (PMA) Superintendent Lt. Gen. Ronnie Evangelista.
Nabigo anya si Evangelista na tuparin ang kanyang tungkulin nang hindi nya maipatupad ng tama ang Anti-Hazing Law na naging dahilan ng pagkamatay ni PMA Cadet Darwin Dormitorio ng Cagayan De Oro.
Ayon kay Rodriguez, napakalinaw ng batas hinggil sa pagbabawal sa hazing.
Pinapayagan anya ang initiation subalit kailangan itong ipagpaalam sa school officials.
Samantala, kailangan namang magkaroon ng dalawang kinatawan sa hazing ang pamahalaan upang bantayan ang initiation.
Una nang isinulong ni Rodriguez na imbetigahan ng kongreso ang naganap kay Dormitorio at isama sa hanay ng heinous crimes ang hazing.