Umaasa ang Philippine Mine Safety and Environment Association o PMSEA na magiging balanse ang anumang magiging desisyon ni incoming Environment Secretary Gina Lopez sa isyu ng kapaligiran at natural resources ng bansa.
Inihayag ito ni PMSEA President Engr. Louie Sarmiento matapos italaga ni President-elect Rodrigo Duterte si Lopez bilang Kalihim ng DENR.
Binigyang-diin ni Sarmiento na suportado nila si Lopez sa hakbangin nitong isulong ang responsableng pagmimina at tanggalin ng tuluyan ang mga illegal at iresponsableng minero sa bansa.
Nirerespeto naman ng negosyanteng si Manny Pangilinan ng PHILEX Mining Corporation ang naging desisyon ni Duterte at magiging normal lamang ang takbo ng negosyo sa bansa.
Samantala, nakahandang makipagtulungan ang Nickel Asia Corporation kay Lopez na isulong ang responsableng pagmimina sa bansa.
Sa katunayan, sinabi ni Gerardo Brimo, Presidente at Chief-Executive Officer ng Nickel Asia na I.S.O. Compliant na ang kanilang environmental management system at world class na ang kanilang operasyon.
by: Meann Tanbio