Hiniling ng Philippine Nurses Association (PNA) sa bagong papasok na administrasyon na dapat ay gawing pantay ang sahod ng mga nurse na nagtatrabaho sa gobyerno at mga pribadong ospital.
Sa ilalim ng panukalang Philippine Nursing Act na magpapantay sa mga pasahod ng mga nurse na nasa pribado at pampublikong pagamutan.
Nasa 30K hanggang apatnapung libong piso ang natatanggap na sahod ng mga nurse na nagtatrabaho sa public hospital.
Sinabi ni PNA President Melvin Miranda na kung sa ibang bansa nagtrabaho ang mga ito ay maaaring nasa apat na beses itong mas mataas kumpara dito sa ating bansa.
Dagdag pa nito na dapat ito ang iprayoridad ng gobyerno kung saan bigyan ng sapat na sahod ang mga healthcare workers sa Pilipinas.