Hinimok ni Philippine Nurses Association (PNA) President Melbert Reyes ang Department of Health (DOH) na ipamahagi ng maayos ang mahigit isang bilyong pisong (P1.185-B) special risk allowance (SRA) na inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa mga healthcare workers.
Aniya, ito’y dahil marami silang natatanggap na reklamo kaugnay sa hindi pa naibibigay na benepisyo tulad ng meal, accomodation and transport allowance at kompensasyon sakaling tamaan ng COVID-19.
Giit pa niya na mayroong limitasyon ang batas na dapat ay ‘with contact with COVID-19′ ang mga health workers kung kaya’t hindi lahat nabibigyan.
Dahil dito, sinabi ni Reyes na walang dapat na pinipili ang batas dahil lahat naman aniya ay nasa risk. —sa panulat ni Airiam Sancho