Muling nag-usap sina Pangulong Noynoy Aquino at Senador Grace Poe, kagabi.
Ayon kay Poe, tumagal ng 5 oras ang kanilang pag-uusap ng Pangulo sa Malacañang subalit hindi kasama sa pulong sina Interior Secretary Mar Roxas at Senador Francis Escudero.
Gayunman, wala pa ring malinaw na napag-kasunduan ang Pangulo at ang Senadora na tila hindi nakumbinseng umatras sa Presidential race sa halip na mag-Bise Presidente na lamang ni Roxas.
Inihayag din ng Senadora na ang pag-uusap kagabi na marahil ang huling beses na pulong nila ni Pangulong Aquino kaugnay sa halalan, ilang araw bago ang huling State of the Nation Address (SONA) nito sa Lunes.
By Drew Nacino | Cely Bueno (Patrol 19)