Nilinis ng Office of the Ombudsman sina dating Pangulong Nonoy Aquino at Senator Antonio Trillanes IV sa ang kasong treason at espionage.
Ito ay kaugnay ng umano’y ginawang back channel talks ni Trillanes bilang kinatawan ni dating Pangulong Aquino sa China hinggil sa pinag-tatalunang teritoryo sa West Philippine Sea.
Sa labing anim (16) na pahinang resolusyon, sinabi ng Ombudsman na wala silang natukoy na probable cause para idiin ang dalawa (2) sa kasong pagtataksil.
Sinabi pa ng Ombudsman na bagaman pinagtatalunan ang teritoryo sa West Philippine Sea, wala namang giyerang nagaganap sa dalawang bansa.
Binigyang diin pa ng Ombudsman na ang back channel talks hinggil sa pinatatalunang teritoryo ay hindi maituturing na pagtulong sa kalaban.
Dagdag pa ng Ombudsman, hindi maituturing na kalaban ng Pilipinas ang China dahil may umiiral na bilateral at diplomatic relationship sa dalawang bansa.
By Krista De Dios