Bigo ang Pangulong Noynoy Aquino na makapag-iwan ng legacy na maaalala siya ng taongbayan.
Ayon kay Ramon Casiple, isang political analyst, walang naging kontribusyon ang Pangulo sa bansa na maituturing na makasaysayan at puwede niyang maiwang pamana sa sambayanan sa pagtatapos ng kanyang termino bilang Pangulo.
Dapat aniyang sukatin ang nagawa ng isang Pangulo sa pamamagitan ng kanyang mga binitiwang pangako, kung ilan sa mga ito ang kanyang natupad.
“Sa aking pananaw ay nagkulang siya sa lahat eh, ‘yung promises, kasi walang decisive na result, halimbawa anti-poverty, anti-corruption, ‘yung peace, ‘yung question ng economy as a whole, definitely may achievement siya dito, pero ‘yung meron siyang historical contribution, ‘yun bang tinatawag nating legacy, na kung saan maaalala siya kasi may nagawa nga siyang malaki.” Ani Casiple.
Ayon kay Casiple, masyadong naitaas ng Pangulong Aquino ang expectations o ang dapat asahan sa kanya ng taongbayan matapos siyang mahalal sa puwesto.
Marami rin aniya sa mga pangakong malalaking proyekto o programa ang Pangulo na hindi na kakayaning matapos hanggang sa susunod na taon.
“Every new President, brings new promise ‘yan and new expectation, at ang nagawa ni Presidente Aquino, he raised the expectation in such a level na mahirap habulin, kahit na siguro 3 Presidente pa ‘yan baka hindi kakayanin, ang problem bale dito ay hindi niya masigurado kung talagang intact ‘yung ginawa niyang patakaran ngayon, ‘yung nasimulan mo hindi naman pangmatagalan eh.” Pahayag ni Casiple.
By Len Aguirre | Ratsada Balita