Binalikan ng Pangulong Noynoy Aquino si Vice President Jejomar Binay matapos nitong batikusin ang gobyerno kasunod nang pagkalas sa official family.
Ayon sa Pangulo, walang pagkakataon na naging spare tire lamang ang Bise Presidente lalo na’t lahat aniya nang kahilingan nito ay pinagbigyan niya.
Tinukoy ng Pangulo ang ibinigay niyang tungkulin kay Binay bilang Overseas Filipino Workers (OFWs) at Housing Czar.
Hindi na din naitago ng Pangulong Noynoy Aquino ang pagka-dismaya sa naging pagbanat sa administrasyon ng Bise Presidente.
Sinabi ng Pangulo na kahit sino ang lumagay sa kaniyang lugar ay madi-dismaya sa nangyari lalo na’t hindi niya pinakitaan ng anumang mali ang Bise Presidente noong bahagi pa ito ng official family.
Itinuring na miyembro ng official family
Itinuring na miyembro ng official family ng Pangulong Noynoy Aquino si Vice President Jejomar Binay.
Katunayan nito, ipinabatid ng Pangulo na sa limang taong pagiging miyembro ng gabinete ni Binay ay wala itong hiniling na pulong na hindi niya pinagbigyan.
Sinabi pa ng Pangulo na mahaba-haba na rin ang naging pagsasama nila ni Binay o simula pa noong Edsa revolution.
Gayunman, binigyang diin ng Pangulo na bahagi na rin ng pulitika ang desisyon ni Binay na umalis sa gabinete at ipakitang hindi talaga nito kailangan ang kaniyang basbas.
By Judith Larino