Binisita ni Pangulong Benigno Aquino III ang mga nasalanta ng bagyong Lando sa Cabanatuan City sa Nueva Ecija.
Pinangunahan ng Pangulo ang pamimigay ng relief goods sa mga residente roon.
Aabot sa 7,000 food packs ang ipinamahagi ng Pangulo sa buong lalawigan gayundin ng mga Kulambo, Kawali at Banig.
Tinatayang nasa 2.6 na milyong piso ang halaga ng mga ipinamahaging relief goods ng Pangulo.
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)