Hiniling ni Pope Francis sa mga Pilipino na ipagpatuloy ang pagdarasal para sa kanya.
Ang mensahe ay ipinarating ng Santo Papa sa pamamagitan ni Pangulong Benigno Aquino III na dumalaw sa kanya sa Vatican.
Ayon kay Aquino, napaka-simpleng tao ng pinakamataas na lider ng Simbahang Katolika at tukoy na tukoy nito ang mga problema lalo na ng mga mahihirap.
Sinasabing hindi naman napag-usapan ang tungkol sa isyu ng umano’y pagmumura ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Kasabay nito, ipinarating ng Pangulo kay Vatican Secretary of State Cardinal Pietro Parolin na nais ng mga Pilipino na bumalik ng Pilipinas ang Santo Papa.
By Jelbert Perdez
*Photo Credit: govph