Asahan na ang pagsusulong ng Pangulong Benigno Aquino III ng global agreement para maibsan ang epekto ng climate change sa UN Climate Summit sa Paris, France.
Kasunod na rin ito nang pagbiyahe ng Pangulong Aquino pa-Paris para dumalo sa 21st Conference of Parties kung saan balak pagtibayin ang isang legally binding agreement hinggil sa climate change.
Samantala, misyon naman ng Pangulo na palakasin ang relasyon ng Pilipinas at Italy sa kanyang official visit dito mula December 1 hanggang 4.
Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Assistant Secretary Marie Cleofe Natividad, mula sa France ay didiretso ang Pangulo sa Rome kung saan makikipagpulong ito kay Italian President Sergio Mattarella sa kaniyang official residence at posibleng makaharap din nito si Prime Minister Matteo Renzi.
Pagkakataon aniya ito para pag-ibayuhin pa ang kooperasyon ng iba’t ibang sektor.
By Judith Larino