Nakatakdang kausapin ni Pangulong Noynoy Aquino si Senador Francis Escudero sa susunod na linggo.
Ayon sa Pangulo, bahagi ito ng kanyang proseso sa paghahanap ng mga kandidatong maaaring sumali sa kanilang partido, ang Liberal Party.
Gayunman, hindi nagbigay ng anumang dagdag na impormasyon ang Pangulo kung ano ang pag-uusapan nila ni Escudero.
Ayon sa Presidente, saka na lamang niya ihahayag kung sino ang i-eendorso sa sandaling matapos ang lahat ng proseso tulad ng pakikipagpulong sa mga potensiyal na susuportahan ng Liberal Party.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)