Tiyak umano na makakaapekto kay Pangulong Benigno Aquino III kapag napatunayan ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile ang sinabi nito na mayroon siyang ebidensya na direkta at aktibong sangkot ang Pangulong Aquino sa naging preparasyon noon sa ipinatupad na oplan exodus sa Mamasapano, Maguindanao.
Inihayag ito ni Senador Serge Osmeña makaraang igiit na mabigat ang inihayag ni Enrile na mayroon siyang ebidensya na direktang sangkot ang Pangulo sa preparasyon sa Oplan Exodus at wala itong ginawa para maisalba ang SAF 44 na brutal na napaslang sa Mamasapano encounter.
Ayon kay Osmeña, maaari itong makaapekto sa iiwang legacy ng Pangulo sa pagbaba nito sa kapangyarihan sa buwan ng Hunyo.
Samantala, naniniwala si Osmeña na may halong pulitika ang ipinawatag ni Enrile na reinvestigation sa Mamasapano incident.
By Meann Tanbio | Cely Bueno (Patrol 19)