Gagawaran pa rin ng Departure Honors ang Pangulong Noynoy Aquino
Ito ay kahit hindi na nasunod ang tradisyunal na sunduan at hatiran sa Quirino Grandstand
Sinabi ni outgoing Presidential Communications Secretary Sonny Coloma na pagkatapos magkita at magpulong ng dalawang Presidente ay bababa na si Pnoy at gagawin ang departure honors sa Malacañang grounds
Pagkatapos nito aniya ay sasakay na ang Pangulo sa kaniyang kotse at di diretso sa Times St. sa Quezon City
Ayon kay Coloma hindi na sila makikialam sa paghahanda dahil para naman ito sa inagurasyon ng bagong Pangulo ng bansa
Kaugnay dito, hindi magbibigay ng talumpati ang Pangulong Noynoy Aquino bago ito bumaba sa puwesto sa June 30
Ipinabatid ito ni Presidential Inaugural Committee Head Ambassador Marciano Paynor
Sinabi ni Paynor na gagamitin pa rin ng Pangulong Aquino ang Presidential Car bago mag 12 ng tanghali sa June 30
By: Judith Larino