Ginawaran ng “Grand Cordon of the Supreme Order of the Chrysanthemum” si Pangulong Noynoy Aquino ni Emperor Akihito nang mag-courtesy call ito sa Imperial Palace, ang official residence ng Japanese emperor at empress.
Ito ang pinaka-prestihiyosong parangal sa bansang Japan.
Bilang kapalit, ibinigay naman ni Pangulong Aquino kay Emperor Akihito ang Order of Lakandula na may ranggong supremo bilang pagkilala sa natatanging kontribusyon nito sa pagpapatatag at pagsusulong ng ugnayan ng Pilipinas at Japan.
Pinasalamatan din ng Pangulo ang emperor ng Japan sa mainit na pagtanggap nito sa kanyang delegasyon at sa tulong ng bansang Hapon sa Pilipinas sa panahon ng mga kalamidad.
Samantala, nagpasalamat din si Emperor Akihito sa pagtanggap naman ng Pangulo sa kanilang imbitasyon na ibinibigay lamang sa mga piling-piling mga lider.
By Ralph Obina