Handang harapin ni Pangulong Benigno Aquino ang magiging kapalaran niya pagkatapos ng kanyang termino sa Hunyo 30.
Ito ang tugon ng Pangulong Aquino sa tanong kung may pangamba ba ito sakaling hindi nito kaalyado ang mananalo sa presidential at vice presidential race.
Sinabi ng Pangulo na hindi siya perpekto at batid niyang hindi lahat ng mga Pilipino ay pabor sa kanyang ginagawang paglutas sa problema ng bansa.
Kung sa tingin aniya ng publiko ay kasalanan na matapos ang backlog sa mga silid-aralan at ang pagbibigay benepisyo ng philhealth ay handa niyang harapin ang parusa.
Dagdag pa ng Pangulo, kung may naniniwala na tama ang kanyang ginagawa bilang punong ehekutibo, hindi tama na pag-initan siya.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)