Handa na ang Pangulong Benigno Aquino III na harapin ang mga kasong posibleng isampa ng mga aniya’y nasagasaan ng anti-corruption campaign ng gobyerno.
Ayon sa Pangulo, inaasahan na niya ang mga kaso pagbaba niya sa puwesto sa 2016 at kung kailan wala na rin ang kanyang immunity.
Sinabi ng Pangulo na hindi pa tapos ang laban niya dahil tiyak na ang pagbawi sa kaniya ng mga tiwaling pinanagot aniya niya sa batas.
Kasabay nito, sa harap ng Filipino community sa kaniyang state visit sa Rome, Italy, ipinagmalaki ng Pangulo ang mga natamo ng gobyerno sa usapin ng ekonomiya at mga naisulong na proyekto para sa kapakinabangan ng sambayanan.
Pinuri rin ng Pangulo ang mga miyembro ng kanyang gabinete na aniya’y patuloy na binabatikos sa kabila ng kanilang mga sakripisyo.
By Judith Larino