Nakahanda ang Pangulong Noynoy Aquino na makipagpulong sa mga senador para pag-usapan ang BBL o Bangsamoro Basic Law.
Gayunman, ayon sa Pangulo, hihintayin niya ang kumpas rito ng Pangulo ng Senado bilang paggalang sa pagiging independent body ng mataas na kapulungan.
Sinabi ng Pangulo na kung makikipagpulong siya sa mga senador, kailangang sa kanila magmula ang imbitasyon.
Matatandaan na naging kontrobersyal ang pagpapatawag ng Pangulo sa ilang mga kongresista sa Malacañang para pag-usapan ang BBL.
Pasaring
Kaugnay nito, muling pinasaringan ng Pangulong Noynoy Aquino ang mga kumokontra sa BBL o Bangsamoro Basic Law.
Ayon sa Pangulo, normal lamang sa mga pulitiko ang magpapansin ngayong malapit na ang eleksyon.
Iginiit ng Pangulo na hindi labag sa konstitusyon ang BBL at ilang beses na itong pinatunayan ng mga miyembro ng Constitutional Commission na bumuo sa 1987 Constitution.
Samantala, pinangunahan naman ni Pangulong Aquino ang Balik-Eskwela Program ng Department of Education (DepEd).
Dito ibinida ng pangulo na nasa 33,000 silid-aralan ang kanilang naipagawa noong nakaraang taon.
Ngayon naman 2015, target ng pamahalaan na matapos ang pagpapatayo sa karagdagang 31,000 silid-aralan.
By Len Aguirre | Ralph Obina