Hinamon ni Senate Minority Leader Juan Ponce Enrile si Pangulong Noynoy Aquino sa isang public debate patungkol sa Mamasapano incident.
Matatandaang inakusahan ni Enrile ang Pangulong Aquino na sadyang inilihim sa pagitan nila ni dating PNP Chief Alan Purisima ang Oplan Exodus sa Mamasapano, Maguindanao na ikinasawi ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force.
Ayon kay Enrile, kung hindi ubra ang Presidente ay maaari itong magpadala ng substitute.
Kabilang aniya rito ang mga alter-egos ng Pangulo tulad nina Presidential Spokesman Edwin Lacierda, Communications Secretary Sonny Coloma, Undersecretary Abigail Valte at Undersecretary Manuel Quezon III.
By Meann Tanbio