Humingi ng paumanhin ang Pangulong Noynoy Aquino sa matagal na pagpili ng bagong hepe ng Pambansang Pulisya.
Sa ginawang change of command, inamin ng Pangulo na nakaapekto sa iskedyul ng pagpili niya ang pagkakatanggal kay dating Police Director General Alan Purisima sa serbisyo kasama ang isa pa sa mga itinuturing na top contender sa posisyon.
Sinabi ng Pangulo na hindi naging madali ang kanyang pagpili dahil hindi naman niya labis na kakilala ang lahat ng maaaring maging kasunod na hepe ng Pambansang Pulisya.
Inatasan naman ng Pangulong Noynoy Aquino ang Pambansang Pulisya na isabuhay ang mandato nito na tiyakin ang seguridad ng publiko.
Sinabi ng Pangulo na suportado ng publiko ang PNP, at ang tanging hiling ng mga ito ay ang pagkakaroon ng nagkakaisang PNP.
By Katrina Valle