Nangako ang Pilipinas na magbabawas ito ng humigit kumulang 70 porsyento ang greenhouse emissions nito.
Ito ang inihayag ni Pangulong Beningo Aquino III sa harap ng mga world leaders sa pagpapatuloy ng 21st Conference of Parties o COP 21 sa Paris, France.
Ginawa ng Pilipinas ang nasabing pangako kahit pa isa ang Pilipinas sa may pinakamaliit na carbon footprints sa mundo.
Maliban dito, ibinahagi rin ng Pangulo ang naging karanasan ng Pilipinas nang manalasa ang super bagyong Yolanda na naitala bilang pinakamalakas at pinakamapaminsala sa kasaysayan ng mundo.
Sinasabing mahalaga ang boses ng Pilipinas sa nasabing pagtitipon dahil sa ito ang isa sa mga pinakabantad sa epektong dulot ng climate change.
By Jaymark Dagala