Pinapurihan ng Pangulong Noynoy Aquino ang papel ng mga sundalo sa pagpapatatag at pagpapaunlad ng bansa.
Ginawa ito ng Pangulo sa turn-over ng pamunuan ng Philippine Army mula kay incoming AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri papunta kay Major General Eduardo Año.
Inisa-isa ng Pangulo ang mga naging accomplishments ng mga naging lider ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas mula sa pagpapanatili ng kapayapaan, pagdakip sa mga high value targets tulad ng mag-asawang Benito at Wilma Tiamson, retired General Jovito Palparan at ang papel nila sa mga relief at rescue operations kapag mayroong kalamidad.
Hamon ni PNoy
Hinamon naman ng Pangulong Noynoy Aquino ang Sandatahang Lakas ng Pilipinas na tiyaking magiging mapayapa at malinis ang eleksyon sa 2016.
Inatasan ng Pangulo ang mga sundalo na tiyaking mangingibabaw ang interes ng sambayanan sa gagawing eleksyon.
Ginawa ito ng Pangulo sa turn over ceremonies ng pamunuan ng Philippine Army mula kay incoming AFP Chief of Staff General Hernando Iriberri tungo kay Major General Eduardo Año.
Binigyang diin ng Pangulo na sa tulong ng mga sundalo, sasagarin pa niya ang paglilingkod sa taongbayan sa natitira pang isang taon ng kanyang panunungkulan bilang Pangulo.
By Len Aguirre