Nilinaw ni Pangulong Benigno Aquino na kuntento siya sa bilateral relationship at strategic partnership ng Pilipinas at Estados Unidos.
Reaksyon ito ni Pangulong Aquino sa obserbasyon ng mga media sa Japan na naging mapangahas lamang ang China sa West Philippine Sea mula nang umalis ang mga US military bases sa Clark at Subic.
Ayon sa Pangulo, kamakailan lamang ay nilagdaan ang EDCA o Ehhanced Defense Cooperation Agreement na nagpapalakas sa umiiral na Mutual Defense Treaty sa pagitan ng Pilipinas at US.
Sinabi pa ng Pangulo na malabo ang pagkakaroon muli ng US bases sa Pilipinas hindi tulad ng Japan dahil mahigpit itong ipinagbabawal sa Saligang Batas ng Pilipinas.
Sa ngayon, ang Japan ay tahanan sa ilang military bases sa ilalim ng treaty of Mutual Cooperation and Security sa Estados Unidos.
By Rianne Briones | Aileen Taliping (Patrol 23)