Mainit na tinanggap sa Rome, Italy ang Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang kauna-unahang official visit sa nasabing bansa.
Nakipagkita ang Pangulo kay Italian President Sergio Mattarella na nagpahayag ng magagandang salita sa pag-host ng Pilipinas sa APEC Summit gayundin ang isinulong na diplomatic process sa isyu ng West Philippine Sea.
Ayon kay Communications Secretary Sonny Coloma na bahagi ng delegasyon ng Pangulo, suportado ng Italy ang isinusulong ng Pilipinas na freedom of navigation sa UNCLOS o United Nations Convention on the Law of the Sea.
Nakipagkita rin ang Pangulong Aquino kay Italian Prime Minister Matteo Renzi.
Bukas, Biyernes, tutungo sa Vatican City ang Pangulo para makipagkita naman kay Pope Francis.
By Judith Larino
*Photo Credit: gov.ph