Mangangampanya ang Pangulong Benigno Aquino III para sa standard bearer ng Liberal Party na si resigned Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas.
Ayon sa Pangulo, kailangang patakbuhin niya ang bansa subalit mayroon ring mga adbokasiya ang partido na kailangan niyang isulong para matiyak na kahit sino ang maupo ay maipagpapatuloy ang mga ito.
Binigyang diin ng Pangulo na kahit ang Presidente ay mayroong karapatang magpahayag ng kanyang opinyon sa panahon ng eleksyon.
Kasabay nito ay inalmahan ng Pangulo ang mga alegasyon na gagamitin lamang ng Liberal Party ang resources ng pamahalaan sa pangangampanya ni Roxas.
Hinamon ni PNoy ang mga nagbabago ng akusasyon na tignan ang records ng mga gastusin ng pamahalaan.
Never say die
Umaasa pa rin ang Pangulong Benigno Aquino III na mahihikayat niyang sumama sa kanila si Senador Grace Poe.
Ayon sa Pangulo, ito lamang ang paraan upang matiyak na maipapatuloy ang magagandang plano na nailatag na para sa bansa.
Sinabi ng Pangulo na wala pa namang puwedeng pag-usapan sa isyu ng magiging running mate ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Mar Roxas hanggat hindi natatapos ang filing of candidacy.
Gayunman, bagamat idinadaan aniya sa consensus ng Liberal ang mga desisyon para sa eleksyon mas bibigyan nila ng bigat ang mapipili ni Roxas.
By Len Aguirre