Nakatakda makipagpulong muli ang Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa mga kongresista kaugnay sa Bangsamoro Basic Law (BBL) na nakabinbin pa rin sa Kongreso.
Sinabi ng Pangulong Aquino na sa susunod na linggo, haharap siya sa grupo ni Rep. Rufus Rodriguez para itulak ang BBL passage.
Ayon sa Pangulo, nabanggit ni Rodriguez na patapos na sila sa “turno en contra” at pagkatapos ay pagbobotohan na.
Malaki pa rin ang pag-asa ng Pangulong Aquino na maipapasa ang BBL bago matapos ang kanyang termino.
By Mariboy Ysibido