Tema na ng pagpapaalam ang laman ng talumpati ni Pangulong Benigno Aquino III sa kanyang mga paglilibot sa mga lalawigan.
Sa kanyang pagbisita sa Tarlac ay nagpaalam na ang Pangulo na ito na ang huling pagbisita niya sa lalawigan bilang pinakamataas na leader ng bansa.
Kasabay nito ang pag-review niya sa mga nagawang proyekto at naibigay na serbisyo para sa mga taga-Tarlac.
Inisa-isa rin ng Punong Ehekutibo ang mga ito gaya ng mga naipagawang tulay at kalsada maging ang paglutas sa problema ng pagbaha sa lugar gayundin ang 4Ps o ang Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
Inihayag din ng Pangulo na magpapatuloy ang tinatamasang serbisyo kung iboboto ang mga kandidatong inaasahang magpapatuloy sa programa ng Daang Matuwid.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)