Tapos nang bumoto Si Pangulong Benigno Aquino III sa Tarlac City.
Pasado alas-9:00 ngayong umaga nang dumating si Aquino sa Azucarera Elem. School sa nabanggit na syudad kasama ang mga kapatid na sina Viel at Pinky.
Pumila ng ilang minuto ang Pangulo bitbit ang kanyang ‘kodigo’ bago tuluyang nakapasok sa kanyang presinto para bumoto.
Naging maayos naman ang proseso ng kanyang pagboto at agad na umalis ng lugar.