Nakatakdang maka-one on one ni Pangulong Benigno Aquino III si Pope Francis sa kanyang pagdalaw sa Vatican sa Disyembre 4.
Bahagi ito ng aktibidad ng Pangulong Aquino sa kanyang biyahe sa Europa sa November 29 kung saan dadaan ito sa France, Vatican at Paris.
Inaasahang muling pasasalamatan ng Pangulo si Pope Francis at ibabalita ang development ng construction at rehabilitation efforts sa Tacloban City at iba pang lugar na sinalanta ng bagyong Yolanda.
Nakatakda ring saksihan ng Pangulo ang unveiling at blessing ng mosaic sculpture ng Our Lady of Peñafrancia sa Vatican.
By Meann Tanbio | Aileen Taliping (Patrol 23)