Umapela ang Pangulong Noynoy Aquino sa pulitiko na tantanan na ang bangayan sa mga personal na isyu tulad na lamang ng citizenship ni Senador Grace Poe.
Binigyang diin ng Pangulo na mas makabubuti sa mga botante kung pagtatalunan ng mga pulitiko ay naka-base sa social issues at hindi sa personalidad ng mga kandidato.
Pinuna ng Pangulo na tila mayroong over reaction sa panig ng ilang pulitiko hinggil sa posibleng pagtakbo ni Poe sa pampanguluhang eleksyon.
Una rito, sinabi ni Navotas Congressman Toby Tiangco na hindi kuwalipikado si Poe na tumakbo sa 2016 Presidential elections dahil wala pa itong 10 taong naninirahan sa Pilipinas, batay sa impormasyong inilagay nito sa kanyang certificate of candidacy noong 2013.
By Len Aguirre