Nakipagkita si Pangulong Benigno Aquino III sa Filipino community sa Italy sa ikalawang araw ng kaniyang working visit.
Tinatayang nasa 500 Pinoy ang nagtatrabaho at naninirahan sa Roma ang nakadaupang palad ng Pangulo sa huling anim na buwan ng kaniyang termino.
Una rito, nakipagpulong si Pangulong Aquino kina Italian President Sergio Mattarella at Prime Minister Matteo Renzi para lagdaan ang air services agreement na magbubukas ng direct commercial flights mula Maynila patungong Roma at pabalik.
Matapos ang pagbisita ng Pangulo sa Pinoy community, tutulak agad ito sa Vatican City para naman makipagkita kay Pope Francis at mag-ulat hinggil sa mga nagawa ng kaniyang administrasyon sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng super bagyong Yolanda noong 2013.
By Jaymark Dagala