Isang closed door command conference ang ipinatawag ni Pangulong Benigno Aquino III pagdating nito sa Camp Teodulo Bautista sa Patikul, Sulu, kaninang tanghali.
Nagpasya ang pangulo na sa Sulu gawin ang pulong upang mabatid ang inilatag na operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) laban sa Abu Sayyaf.
Mahigit dalawang buwan na ang pinaigting na opensiba ng mga tropa ng gobyerno laban sa bandidong grupo simula nang madukot ang isang Pilipina at 3 dayuhan sa isang resort sa Samal Island noong September 2015.
Itinanggi ng mga opisyal ng Palasyo na walang ginawa ang gobyerno sa loob ng 9 na buwan simula nang madukot ang mga biktima na nagresulta sa pagpugot sa dalawang Canadian hostage.
Isa sa hangarin ng Pangulo ay madurog ang Abu Sayyaf Group bago matapos ang termino sa June 30.
By Drew Nacino | Aileen Taliping (Patrol 23)