Kumilos si Pangulong Benigno Aquino III para mag-alyansa ang mga presidential candidate laban kay Davao City Mayor Rodrigo Duterte.
Ito, para masigurong hindi magtatagumpay si Duterte sa pampanguluhang halalan.
Sinabi kahapon ng pangulo na kailangang magkaisa ang mga kandidato sa pagka-pangulo partikular sina Mar Roxas at Senadora Grace Poe upang maisalba ang bansa laban sa mga plano ni Duterte.
Kapag nag-alyansa sina Mar at Poe, sinabi ng Pangulo na mayroong 40 percent na boto kontra sa 30 percent na sinasabing makukuha ni Duterte sa Lunes, Mayo 9.
Ayon sa Pangulo, kinausap na niya si Roxas at Poe nitong nakalipas na tatlong araw at ka-text niya noong Huwebes ng gabi ang Senadora.
Gayunman, sinabi ng Pangulo na wala pang linaw ang katugunan ni Poe sa kanyang panawagang alyansa kontra kay Duterte.
By Avee Devierte | Aileen Taliping (Patrol 23)