Hinimok ni Pangulong Benigno Aquino III ang world leaders na magbayanihan para resolbahin ang problema ng mundo sa climate change.
Inihayag ito ng Pangulo sa pagpapatuloy ng Conference of Parties o COP 21 sa Paris, France.
Sa kaniyang talumpati, sinabi ng Pangulo na malaki ang magagawa ng pagtutulungan ng mga bansa para makasabay ang maliliit sa malalaki sa pagtugon sa problema.
Ayon sa Pangulo, sa pamamagitan nito matatamo ng bawat bansa ang pagkakaroon ng isang malinis, maayos at kaaya-ayang mundo na ipamamana sa susunod na henerasyon.
By Jaymark Dagala