Pinangunahan ni Pangulong Benigno Aquino III, ang ika-119 na anibersaryo ng Philippine Army, kaninang umaga.
Sa kanyang talumpati, ipinagmalaki ng Pangulo ang halaga at dami ng proyektong inilaan ng kanyang administrasyon para sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP).
Ayon sa Pangulo, umabot sa 58.43 bilyong piso ang halaga ng mga proyekto na inilaan para sa AFP, kung saan, halos P8 bilyong piso dito, ang para sa pagpapalakas ng puwersa ng Philippine Army.
Inatasan din ng Pangulong Aquino ang mga kawani ng Philippine Army na huwag makilahok sa pulitika.
Ipinaliwanag ni Aquino na malinaw ang gusto ng publiko, at ito ay ang manatili ang Army sa kanilang panig at hindi ang makilahok sa pulitika.
By Katrina Valle